NEW YORK (Reuters) – Kumita ng umaabot sa $47 million noong nakaraang taon mula sa kanyang mga kontrata at iba pang business ventures, ang Brazilian supermodel na si Gisele Bundchen ang highest paid model sa mundo sa ikawalong sunod na taon, inihayag noong Lunes ng Forbes.com.
Walang kahirap-hirap na naungusan ng 34-anyos na misis ng New England Patriots quarterback na si Tom Brady at ina ng dalawang bata ang pumangalawa sa kanyang Dutch Victoria’s Secret model na si Doutzen Kroes, 29, na kumita naman ng $8 million, kapareho rin ng kinita ng isa pang Brazilian model at Victoria’s Secret angel na si Adriana Lima, 33 anyos.
“The Brazilian icon pocketed $47 million in the last 12 months before taxes and fees,” anang Forbes.com tungkol kay Gisele, idinagdag na mas malaki ng $16 million ang kinita ng supermodel kaysa kanyang asawang football player.
Kabilang din sa top earners ang British model na si Kate Moss, 40, na kumita ng $7 million, gayundin ang American model at Sports Illustrated magazine covergirl na si Kate Upton, 22, na ngayon lang pumasok sa tala at kinumpleto ang top five.
Newcomers naman sa listahan ang 21 highest paid model na kumita ng kabuuang $142 million, kabilang ang English model na si Cara Delevingne, 22; at ang American na si Karlie Kloss, 22 anyos.
Ang buong listahan ay masisilayan sa http://www.forbes.com/pictures/emjl45jlde/the-worlds-highest-paid-models.