Sunud-sunod ang nagiging aberya sa mga tren sa bansa dahil ilang araw matapos ang magkakasunod na aberya sa Metro Rail Transit  (MRT) ay nagkaaberya naman ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) nang tumirik ang isa sa mga tren nito sa Manila kahapon.

Dakong 9:00 ng umaga nang bumaba umano ang pressure ng makina ng tren na biyaheng southbound kaya tumirik ito bago dumating sa San Andres Station sa Maynila.

Ayon kay PNR Spokesperson Paul de Quiros, kinailangang maghintay ng panibagong tren na magsasakay sa mga pasahero kaya naantala ng halos 30 minuto ang biyahe bago nakalipat ang mga ito sa isa pang tren.

Bandang 9:30 ng umaga ay nagbalik na sa normal ang biyahe ng PNR.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi ni de Quiros na walang dapat na ipangamba ang mga sumasakay sa mass transit dahil nananatili itong ligtas, bagamat may mga aberya ay hindi naman umano malalagay sa panganib ang buhay ng mga commuter.

Aniya, iniimbestigahan na kung ano ang dahilan ng pagbaba mg pressure ng makina ng nasabing tren.