HINDI na nakapagtataka kung bakit madaling matanggap ang manggagawang Pilipino sa abroad. Taglay kasi ng ating pagka-Pilipino ang kasipagan, katapatan sa tungkulin, talino, at pagkamatiisin. Ilan lamang iyang sa mga katangiang hinananap ng mga employer sa labas ng bansa. Hindi nalalayong ganoon ding mga katangian ng mga investor na makikipagsapalaran dito mismo sa ating bansa. Dumarami na ang mga banyangang negosyante at namumuhunan sa galing ng ating mga kababayan.

Ngunit higit na mas maraming investor ang mamumuhunan sa bansa kung maaasahan naman ang ating lupon ng mga manggagawa. Ang pagpapalakas ng ating mga manggagawa ay mainam na estratehiya upang mahimok ang mga banyagang negosyante na pumasok sa Pilipinas at dito magtatag ng kanilang mga negosyo. Napag-alaman kay Secretary Joel Villanueva, director-general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kailangang tiyak ang kahusayan ng mga manggagawa at naaangkop sa pangangailangan ng mga industriya upang magtayo ng iba’t ibang negosyo ang mga investor. “Sino ang gustong mag-invest kung wala silang maaasahang skilled workers?” ani Villanueva. “Kaya pinapanday natin na maging de kalidad ang ating mga skilled worker.”

Nagbigay pa ng halimbawa si Villanueva – ang isang pang-world class na mga mekaniko na sinanay ng World Vision Foundation Inc., sa Izuzu Motors training center sa Tacloban City, na pinag-aagawan ng mga industriya sa Asia dahil national certificate 4 o NC4 holder ang mga ito. Lilinangin naman ng Garments Business Association of the Philippines ang ilang ilang manggagawa upang masanay sa multi-tasking o higit pa sa isa ang kayang gawin. Nakahanda rin ang Healthcare Information Management Organization of the Philippines na hubugin ang mga nagnanais na maing bihasa sa healthcare servies. Dahil sa layunin ito, ayon pa kay Sec. Villanueva, kanilang pinaiigting ang ang curriculum, pinahuhusay ang mga pasilidad ng mga technical vocational institution at ipinupursigeng ISO certified ang lahat na sangay ng TESDA.

Sa harap ng mga layuning ito, naroon ang napakagandang layuning palawakin ang paigtingin ang kaalaman ng ating mga manggagawa at ihanda sila sa mas maunlad at maginhawang pamumuhay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho