Matagumpay na naidaos ang 6th Mayor Ramon D. Bagatsing Sr. Racing Festival kung saan ay nagkampeon ang Hagdang Bato sa katatapos na Challenge of Champion Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Umapaw sa kaligayahan ang mga karerista sa ginananap na Mayor Bagatsing Sr. na sinabayan ng Philracom-Bagatsing Cup, Solaire Resorts Cup at PCSO-Bagatsing Cup.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa kasaysayan ng karera, nasaksihan ng Bayang Karerista ang buong pangyayari sa Challenge of Champion Cup kung saan ay nagkabalikatan ang Boss Jaden, Pinespun, Crucis at nagkampeon na Hagdang Bato.

Inaasahan na ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Jr. na ang laban ng kanyang alagang Hagdang Bato at mahigpit na kalaban na Crucis ang siyang papanoorin ng mga karerista.

Sa umpisa pa lang ng laban, nakita na ang paglalaban sa unahan ng Hagdang Bato at Crucis hanggang sa pagsapit sa 1,000 meters.

Hindi nakitaan ng pagsuko ang Hagdang Bato hanggang sa mamayani at iwanan ang kalaban na imported habang paparating ang dehadong Pinespun at Boss Jaden.

Naorasan ang Hagdang Bato ng 1minuto sa 51 segundo sa mahusay na pagdadala ni jockey Jonathan Hernandez.

Sa kabilang dako, nagwagi sa Philracom-Bagatsing Cup ang Don Albertini kontra sa Pugad Lawin at tinanghal namang kampeon ang Dark Beauty sa Solaire Resorts Cup.

Namayani naman ang Jade Avenue at Miss Manuguit sa Philracom-Bagatsing Cup 1 at 2, ayon sa pagkakasunod.