CABANATUAN CITY— Bilang bahagi ng reporma sa pangasiwaan sa pambansang patubig, labing-isang opisyal ng National Irrigation Administration ang sabay-sabay na binalasa o ni-relieve sa puwesto kabilang na ang isang assistant administrator at hepe ng Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (UPRIIS) ng National Irrigation Administration (NIA).

Batay sa NIA Board Resolution 8084, ni-relieve sa kanilang puwesto sina Asst. Administrator Julius S. Maquiling, UPRIIS Operations Manager Josephine Salazar at mga Regional Managers Reynaldo Puno, John N. Celeste; Vicente Vicmudo, Efren Roqueza, William Ragodon, Mario Sande; Alejandro Alberca, Department Manager Florencio David at Division Mgr. Guillermo C. Mercado.

Nanatili naman sa puwesto ang walo pang opisyal ng NIA na sina Regional Manager John Socalo ng Cordillera Administrative Region (CAR); Antonio Lara, Region-2; Gerardo Corsiga, Region 6; Romeo Quiza, Region 8; Diosdado Robles, Region 9; Ali Satol, Region-12; Encarnacion Soriano, Region 13; Mariano Dancel, Department Manager ng Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS).

Pinalitan ni Florencio Padernal si Claro V. Maranan bilang NIA chairman noong isang buwan. Si Maquiling ay itinalagang Regional Manager ng Region-10; habang si Salazar ay ginawang Regional Manager ng Region-3, kapalit ni Puno na pinalitan niya noong 2011. Si Celeste naman ay inilipat mula Region 11 sa Region-1 kapalit ni Vicmudo na itinalaga sa Region-1 kapalit ni Alberca na inilipat sa Region-7 ni Sande na dating nasa office of the administrator. Pinalitan ni Vicmudo si Ragodon na itinalagang Manager ng Region-4A kapalit ni Roqueza na ipinuwesto sa Region-4-B. Samantala si David, dating Dept. Manager ng Internal Audit Services (IAS), ay itinalagang Manager ng NIA Central Office Operations Dept., na pinalitan ni Mercado na isa sa tauhan nito sa IAS. - Light A. Nolasco

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho