ISULAN, Sultan Kudarat – Bagamat karaniwang maliit na kaso lang ang pagnanakaw, natukoy sa tala ng Tacurong City Police at ng pulisya sa mga karatig-bayan nito na karamihan sa mga naaaresto o sangkot sa nakawan ay pawang dayo lang.

Sinabi ni Supt. Junny Buenacosa, hepe ng Tacurong City Police, na ang mga sangkot sa nakawan ay may iba’t ibang grupong sinasamahan bagamat hindi maikakaila na karaniwang kabataan sila at magkakasama sa operasyon ang mga suspek, na mula umano sa mga lungsod ng Koronadal, Davao, Kidapawan at maging sa ilang bayan sa Maguindanao. - Leo P. Diaz

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University