Kontrolado na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang forest fire sa Baler, Aurora.

Paliwanag ng BFP, dakong 10:00 ng gabi noong Biyernes nang maapula ang sunog na nagsimula noong Agosto 13 sa bahagi ng Sitio Diguisit sa Barangay Zabali.

Tumulong din sa pag-apula ng apoy ang isang chopper ng Philippine Air Force (PAF).

Paliwanag ng BFP, malaking tulong ang malakas na ulan sa lalawigan upang tuluyang makontrol ang pagliliyab.

National

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA

Nag-iimbestiga pa rin ang BFP sa naiulat na posibleng pagkakaingin o pag-uuling ang pinagmulan ng forest fire.