Boracay

Ni DAISY LOU C. TALAMPAS

MAG-RELAX! ‘Yan ang aming family mantra taun-taon. ‘Geographically apart’ ang aking pamilya dahil kapwa nagtatrabaho sa ibang bansa ang aking asawa at anak at ako ay nakabase sa Manila. Kaya napakahalaga ng bakasyon para sa aming bonding time.

Ngayong taon, napatapat sa Hulyo ang bakasyon ng aming anak, panahon ng tag-ulan, ngunit island vacation pa rin ang nais naming maranasan. May hihigit pa ba sa ganda ng Boracay?

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

45-MINUTE FLIGHT

Sakay ng Philippine Airlines, wala pang isang oras ay nasa Kalibo na kami. Binagtas namin ang mga bayang may kaaya-ayang tanawin patungong Caticlan. Hindi problema ang transportasyon sapagkat kada sampung minuto ay naghahatid ang bangka sa magandang isla ng Boracay.

REGENCY HOTEL

Bilang regular na mga biyahero, mahalaga sa aking pamilya ang pagpili ng “the best accommodation“. Namalagi kami sa Boracay Regency Beach Resort and Convention Center. Maganda, malinis, masarap na pagkain, modernong pasilidad, magagalang at magagaling na staff sa pamumuno nina Dindo Salazar at Lanie Gragasin ang naging karanasan namin. Labing-anim na taong world-class na serbisyo na ang ipinagkakaloob ng hotel na ito na may layuning maipagkaloob nang wasto ang pangangailangan ng bawat bakasyunista, mula sa prestihiyosong Henry Chusuey Hennan Resorts.

MASIGLANG TURISMO KAHIT TAG-ULAN

Unang araw pa lamang ng aming Boracay trip ay ipinadama agad ang lakas ng habagat (south-west monsoon). Mahina ang ulan subalit mataas ang alon sanhi ng malakas na hangin. Pero hindi naging hadlang ang habagat sa kasiglahan ng mga turista, lokal man o dayuhan, dahil sa iba’t ibang water activities. Bantog sa buong mundo ang maputi at pinong buhangin sa Boracay. At habang naglalakad sa isla na walang sapin sa paa ay madaraanan ang mga nagta-tattoo, hairbraids, shirt printing, massage at kabi-kabilang souvenir shops.

BUHAY ANG GABI

Nakatutuwa ang tila ‘di nagbabagong enerhiya ng mga turista simula umaga hanggang gabi. Kahit maghapon na sa pamamasyal sa dalampasigan at paglulunoy sa tubig buong maghapon, pagsapit ng gabi ay masigla pa rin ang sayawan, kantahan, kainan, at inuman. Walang humpay ang halakhakan, tila wala nang bukas.

Bakasyon tuwing tag–ulan sa Boracay? Okey lang! Dinarayo, binabalikan, kakaibang buhangin, ubod ng gandang dagat, mainit na pagtangap, masiglang turismo, tunay ngang pinagpala ang Boracay!

[gallery columns="2" link="file" ids="89074,89073,89072,89071"]