Tinatatayang 769 overseas Filipino workers na ang nakauwi sa Pilipinas mula sa Libya sakay sa dalawang chartered flight ng Philippine Airlines (PAL) na dumating noong Sabado ng gabi at madaling araw ng Linggo.

Bunga ng patuloy na giyera sa nasabing lugar, itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Crisis Alert Level 4 ang sitwayson sa Libya noong Hulyo 20 at ipinapatupad ang total deployment ban patungong North African country at nananawagan ng mandatory

repatriation sa lahat ng OFWs.

Base sa ulat ng DFA dumating kamakalawa ang unang batch ng 419 OFWs sa NAIA 2 bandang 10:00 ng gabi at sinalubong sila nina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Vice President and Presidential Adviser on OFW Concerns Jejomar Binay.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ang panagalawang batch ay binubuo ng 349 OFW na dumating kahapon ng 3:45 ng mdalang araw sa NAIA 2.

Sinabi ng DFA na batay sa kanilang datos mayroon pang 10,000 Pinoy ang kasalukuyang nasa Libya. (Jun Fabon)