Hitik sa aksiyon ang karerang magaganap ngayon sa Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaalinsabay sa paghataw ng Hon. Mayor Ramon Bagatsing Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Tampok ang Challenge of Champions Cup na pakarera ng Resort World kung saan ay magtatagpo ang dalawang kampeon, ang imported na Crucis at Hangdang Bato. Nakataya sa karera ang P1 milyon.

Ibubulsa ng magwawagi ang P600,000 habang P225,000 sa ikalawa, P125,000 sa ikatlo at P50,000 sa ikaapat.

Lalarga din ang Phiracom- Bagatsing Cup (Division 1) na may nakalaang premyo na P700,000 kung saan ay aarangkada ang Don Albertini, Batangas Magic, Borj Kahlifa, El Libertador at Pugad Lawin. Tatawid ang mga kalahok sa distansiyang 1,600 meters.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang mananalo ay mag-uuwi ng P420,000, tatanggap ng 157,000 ang ikalawa, P87,000 sa ikatlo at P35,000 sa ikaapat.

Sasalubong din ang Solaire Resorts Cup na paglalabanan ng imported at lokal na mananakbo na Healine Chaser, Heyday, Manalig Ka, Wild Talk, Dark Beauty, Mezzanine at Magatto na may garantisadong premyo na P500,000.

Sisikad naman ang Philracom Bagatsing Cup (Division II) na paglalabanan ng Jade Avenue, Miss Manuguit, Calabar Zone, Starship Kim, Turf Moon, Lord Gee at Princess Rock na may premyong P500,000 na mula sa Phiracom.

Sa Solaire Resorts Cup II, magkakasubukan naman ang Lifetime, Echikatsu, Garnet, Fire Gypsy, The Avenger, Jaden Anakpapato, Jalapenio, Batang Balara at Just Time na may premyong P500,000.