Posibleng maisumite na kay Pangulong Benigno S. Aquino III ngayong linggo ang draft ng Bangsamoro Basic Law makaraang mapaulat na nagkasundo na ang magkabilang panig kaugnay ng nasabing batas.

Kasunod ng pamamagitan ng Malacañang, tinapos na ng mga panel ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang usapan sa mga nakabimbing usapin tungkol sa draft ng BBL at nangangakong isasama ang “resolutions” sa pinal na BBL.

“After a series of productive meetings involving the GPH and MILF Peace Panels, the Office of the Presidential Adviser for the Peace Process, the Office of the Executive Secretary, and the Office of the Chief Presidential Legal Counsel, we have concluded discussions on the various issues involving the draft Basic Bangsamoro Law (BBL) originally drafted by the Bangsamoro Transition Commission and submitted to the President last April,” saad sa pahayag.

“The parties have agreed that the resolutions arrived at by both parties will be incorporated into the final draft Basic Bangsamoro Law that will be prepared and submitted to President Benigno S. Aquino III,” saad pa.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Una nang nagkasundo ang dalawang panel na kukumpletuhin ang mapagkakasunduang draft ng BBL bago sumapit ang Agosto 18, 2014.

Pag-aaralan at aaprubahan ng Pangulo ang draft na inaasahang sesertipikahan niyang urgent para agad na maaprubahan ng Kongreso. - Genalyn D. Kabiling