MRT_RECOVERY_03_BALMORES_160814-550x374

Ni Ellaine Dorothy S. Cal at Jean Fernando

Hinamon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) si Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Emilio Abaya na humingi ng dispensa sa mga biktima nang bumangga sa barrier ang tren ng Metro Rail Transit (MRT) sa Pasay-Taft station.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“We condemn the irresponsible statements made by Transportation and Communication Secretary Abaya,’ pahayag ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Tinukoy ni Tanjusay ang sinabi ni Abaya sa panayam sa radyo na hindi sapilitan ang pagsakay sa MRT.

“It is a personal decision. I won’t go out of my way to convince the people to ride. Kanya-kanyang desisyon naman ‘yan. Malayang bansa naman ito,” naging pahayag ni Abaya sa radio interview.

Itinuring ng TUCP ang pahayag ni Abaya na “iresponsable” kaugnay sa naganap na aksidente kung saan 36 pasahero ang nasugatan.

“What are you transportation and communication secretary for, Mr. Abaya? Such disrespect is an affront to thousands of working people who have no other choice but to ride in the MRT to and from work.  Such statement is a slap-on-face of all the victims of the unfortunate mishap which happened days ago,” ayon kay Tanjusay.

Aniya, ipinahihiwatig umano ni Abaya na malayang makasasakay sa ibang pampublikong sasakyan ang mga biyehero kung nangangamba sila sa kanilang kaligtasan.

Itinuring ni Tanjusay ang iniasta ni Abaya bilang insulto sa daan libong nagsisiksikan sa MRT araw-araw.  

“Mr. Secretary, did you or are you, as the man in charge of the mass transportation in the country and as a public servant, gave the public, the MRT riders a choice? Kung meron bang ibang matinong mass transport na nagawa mo na bilang DOTC secretary, palagay mo pipila pa ba sila at sasakay pa ba sila sa delikado, siksikan, mabaho at peligrosong MRT train?” tanong ni Tanjusay.

Samantala, posibleng maharap sa kasong kriminal ang control center supervisor ng MRT 3 matapos makapagbigay ng kani-kanilang salaysay ang dalawang train operator hinggil sa insidente.

Ayon kay Chief Supt. Angelito de Juan, hepe ng Pasay City Police-Investigation Unit, pinadalhan na nila ng liham si Joey Diokno, control center supervisor ng MRT 3, upang magbigay linaw sa trahedya.

“Halos parehas ang ibinigay na statement ng dalawang operators kung paano ang kanilang gagawin na itoy base sa kautusan ni Diokno bago maganap ang insidente,” pahayag ni De Juan.