Patuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2014, inihayag ng World Bank.

Sa inilabas na Philippine Economic Update, inilista ng World Bank sa 6.4 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2014 at 6.7 porsiyento sa 2015.

“This projected growth remains one of the fastest in the East Asia region, second only to China among the major economies,” pahayag ni World Bank Country Director Motoo Konishi at binanggit na bagama’t mas mababa ito sa 6.6 at 6.9 porsiyento sa nabanggit na taon, ayon sa pagkakasunod.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Idinahilan ng World Bank ang mas mabagal na economic growth ng first quarter ng 2014 dahil sa epekto ng bagyong “Yolanda”, mas mahinang government spending at mahigpit na monetary policy.

“However, recent data trends suggest that higher growth has now begun to translate into significant poverty reduction,” ayon sa World Bank.

“After many years of slow poverty reduction, poverty incidence declined by 3 percentage points from 27.9 percent in 2012 to 24.9 percent in 2013, lifting 2.5 million Filipinos out of poverty. And in April this year, the economy created 1.7 million jobs,” pahayag ni Rogier Van Den Brink, lead economist ng World Bank Lead Economist para sa Pilipinas.

Tinaya pa ng World Bank Group na kailangang gumastos ang gobyerno ng dagdag na limang porsiyento sa GDP sa sektor ng edukasyon at kalusugan para tumaas ang productivity at competitiveness ng mga manggagawa. Ani, grupo, bukod ito sa pagdodoble sa paggastos sa imprastraktura.