Pinaiimbestigahan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y anomalya sa pamamahagi ng service firearms sa mga miyembro ng PNP-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ito ay matapos madiskubre ng pamunuan ng ARMM Regional Police Office na ilang pulis sa rehiyon ang hindi nakatanggap ng service firearm sa kabila ng sobrang baril na ipinadala para sa kanilang unit.

Ang ARMM Regional Police Office ay may 6,513 tauhan at base sa huling imbentaryo, umabot sa 6,741 long at short firearms ang ipinadala sa rehiyon sa nakalipas na mga taon.

“Despite of the fact that there is a variance of +228 between the two figures, there is still a significant number of uniformed personnel who are without any issued firearms,” ayon sa ulat na isinumite ni Chief

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Supt. Noel delos Reyes, ARMM Regional Police Office sa PNP National Headquarters.

Nabatid ng pamunuan ng PNP sa imbestigasyon na ilang pulis ang nakatanggap ng maraming baril habang ang kanilang kasamahan ay walang natanggap ni isang armas.

Lumitaw na ang mga pulis sa Basilan ang nakatanggap ng sobra sa isang baril matapos mabuking sa datos na 724 service firearm ang ipinamahagi sa 642 tauhan ng dalawang provincial police office.

Sa Sulu, ipinamahagi umano ang 1,545 service firearm sa provincial police office kahit 1,223 ang unipormadong tauhan nito.

Dahil dito kinapos naman sa service firearm ang ibang police unit sa Lanao del Sur, na may 998 pulis subalit nabigyan lamang ng 491 baril, habang sa Maguindanao ay may 1,194 na pulis subalit 813 lang ang natanggap na baril ng provincial police. - Aaron Recuenco