(Reuters)– Magbabalik sa aksiyon si Andy Murray ngayong linggo sa unang pagkakataon mula nang mabigong maidepensa ang kanyang korona sa Wimbledon, at iginiit na ang kanyang coaching liaison kay Amelie Mauresmo ay pang-matagalan.

Nag-umpisang makipagtrabaho ang Scot sa Frenchwoman na si Mauresmo bago ang Wimbledon, ngunit ang kanyang nakadidismayang pagpapakita sa grasscourt season ay nagbunga ng mga katanungan tungkol sa itatagal ng kanilang tambalan.

Ngunit sinabi ni Murray na nagugustuhan niya ang pakikipagtrabaho sa dating Wimbledon champion at ginawang training base ang Miami sa kanyang paghahanda para sa U.S. hardcourt season, na magsisimula ngayong buwan sa U.S. Open sa Flushing Meadows.

“We’ve agreed to work together and I think from both sides we’re willing to do what it takes to make it work long term,” lahad ni Murray, 27, sa isang artikulo sa website ng BBC bago ang Rogers Cup sa Toronto kung saan siya ay seeded eighth. “I really enjoy working with her, she’s helped me a lot.”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“She integrated well with the rest of the team. It’s been a good start. Now it’s about me producing the results.”

Ang mga susunod na buwan ay kritikal para kay Murray na bumaba sa ika-10 sa world rankings matapos matalo sa quarterfinals sa Wimbledon sa kamay ni Grigor Dimitrov ng Bulgaria.

Si Murray ay wala pang napapanalunang titulo sa loob ng mahigit isang taon at naghihirap na makuwalipika sa year-ending World Tour Finals sa London kung saan naghahabol din sina Dimitrov at Milos Raonic ng Canada na mapasama sa top 10.

Layon ni Mauresmo na tulungan si Murray na makabalik sa dating porma noong U.S. 2012 nang kanyang talunin si Novak Djokovic sa isang epikong final.

“I sat down with her the day after Wimbledon, we made a plan for the next few months, in the build up to the U.S. Open,” saad ni Murray. “(Hitting partner) Dani (Vallverdu) and Amelie will both be there at the U.S. Open.

“That’s the plan for now, but I plan on working with her for longer than post-US Open, for sure.”