ISULAN, Sultan Kudarat – Sumuko kay Isulan Mayor Diosdado Pallasigue ang suspek sa pagdukot at pagpatay sa dalawang binatilyo noong Hulyo 19, 2014.

Ayon kay Pallasigue, nagpasya si Jay Sarayno, 24, ng Barangay New Pangasinan sa Isulan, na sumuko matapos ang mahabang negosasyon sa kanyang pamilya.

Kinasuhan si Sarayno sa pagdukot at pagpatay sa magkaibigang sina Robert Mallet, 14; at Ray Pacifico, 16, kapwa ng Bgy. Cabuling, Tantangan, South Cotabato.

Sinabi ni Pallasigue na kasama si Isulan Police chief Supt. Jeofel Siason ay sinundo nila si Sarayno sa San Francisco, Bukidnon na roon ito nagtatago.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

- Joseph Jubelag