Ni KRIS BAYOS

Inilaan ng gobyerno ang P4 bilyon sa konstruksiyon ng isang centralized bus terminal sa dating Food Terminal Inc. (FTI) complex sa Taguig City.

Inihayag na ng Department of Transportation and Communication (DoTC) na sisimulan na ang bidding para sa Integrated Transport System (ITS) Project-South Terminal na may passenger terminal building, arrival at departure bay, public information system, ticketing at baggage handling facility at park-and-ride center sa loob ng FTI complex.

Ipatutupad ang proyekto base sa build-transfer-operate contractual agreement “whereby the DoTC contracts out the construction of the infrastructure facility to a private entity, which builds the facility on a turnkey basis.”

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Once the facility is commissioned satisfactorily, title over the facility is transferred to the implementing agency, DoTC, while the private entity, Concessionaire, operates the facility on behalf of the implementing agency in accordance with specified performance standards and specifications set out in the Concession Agreement,” ayon sa invitation to bid.

Ayon sa DoTC, ikokonekta ng ITS-South Terminal ang mga pasaherong galing sa Laguna o Batangas sa iba pang transport system, tulad ng panukalang North-South Commuter Rail ng Philippine National Railways at maging ang mga city bus, taxi at iba pang pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa Metro Manila.

Sinimulan na ng DoTC ang bidding para sa P2.9-bilyon kontrata sa pagtatayo ng ITS-Southeast Terminal sa 2.9-ektaryang lupain sa Coastal Road sa Parañaque City.

Naantala ang auction ng ITS-Southwest Terminal matapos ipatupad ang ilang pagbabago sa proyekto. Nakipagpulong ang mga miyembro ng DoTC-Bids and Awards Committee sa mga prospective bidder matapos aprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pagbabago sa panukalang proyekto.