NAKAKAAWA ang sinapit ng isang Pinay nurse sa Libya na dinukot ng apat na Libyan teenager at ginahasa pa. Buti na lang at hindi siya namatay gaya ng pagkamatay ng isang taga-India na nag-aaral ng medisina at na-gang rape ng mga hayok sa laman sa loob ng isang bus.
Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, ang Pinay nurse ay kinuha mismo sa harap ng bahay na tinutuluyan patungo sa Tripoli hospital para magtrabaho. Pagkaraan ng dalawang oras, siya ay pinakawalan matapos halinhinang gahasain ng naturang Libyan teenagers. May 13,000 Pilipino ang nasa Libya, at 3,000 ang nagtatrabaho sa Tripoli bilang mga doktor at nurse.
Nang malaman ito ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko, hindi siya nagbiro o kaya ay nagpasaring. Bagkus, nagpahayag siya ng pagkaawa sa kababayang nurse na sa kawalan ng trabaho sa Pinas ay piniling makipagsapalaran sa Libya upang kumita at makatulong sa pamilya. “Kailangan siyang maipagamot dahil sa physical at mental trauma na kanyang dinanas,” pahayag ng aking kaibigan.
Batay raw sa nabasa niyang statistics tungkol sa mga “Manoy” sa iba’t ibang dako ng mundo, ang taga- Middle East ang may pinakamalaki at mahabang (7.2 inches). Ang taga- Europe at America ay 5.5 at 6 inches samantalang ang mga Asian, kabilang ang mga Pinoy, ay nagtataglay ng mula sa 4.5 hanggang 5 inches.
“Walang malisya ito,” badya ng kaibigan ko. Gayunman, daig daw ng mga Pinoy ang taga-Middle East, Europe at America, dahil si “Manoy” ay saksakan ng gilas sa tindig. Sabi ni Tata Berto: “Hindi kaya tayo ma-MTRCB sa pahayag mong ito?”
Binalaan ang Asia sa posibleng pagpasok at paglaganap ng Ebola virus na ngayon ay nananalasa sa Africa, tulad ng New Guinea, Liberia at Sierra Leone, at kumikitil ng maraming buhay. Mula sa London, may balita ring ang drug-resistant malaria parasites ay kumakalat sa border regions ng Southeast Asia.
Isinumite na ng Malacañang ang P2.6 trilyong budget para sa 2015. Sana naman ay wala nang PDAF at DAP sa pambansang pondo ito upang hindi na makurakot ng mga tiwaling pulitiko ang pera ng bayan!