WASHINGTON (AP) – Kinondena ng administrasyon ni President Barack Obama ang “outrageous” na paglabag sa Gaza ceasefire na resulta ng pandaigdigang pagsisikap para matigil ang isang-buwang digmaan ng mga militanteng Palestinian at Israel at tinawag na “barbaric action” ang umano’y pagdukot sa isang sundalong Israeli.

Ito ang naging reaksiyon ng Washington kasunod ng pagkuwestiyon ng mga opisyal ng Israel sa pagtutulungan para mabuo ang kasunduan, inakusahan ang Amerika at United Nations ng kawalan ng alam sa halos tiyak nang hindi pagtalima ng Hamas sa ceasefire.

Matapos ang pagkabigo ng ceasefire wala pang dalawang oras makaraang ipatupad ito, at sa pagatake na ikinamatay ng dalawang sundalong Israeli at pagkawala ng isa pa, iginiit ni Obama ang agarang pagpapalaya sa sundalo.
National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands