Sa Pinoy basketball fans na nais makita sa personal ang 11-time All-Star na si Allen Iverson, uumpisahan na ang pagbebenta ng mga tiket sa

Agosto 15.

Ipinangako ng mga organizer na magiging “abot kaya” ang mga tiket para sa fundraising basketball event ni Iverson na tinaguriang “All In” at idaraos sa Mall of Asia Arena sa Nobyembre 5.

“Allen Iverson went all in throughout his NBA career, and we are very fortunate that he has agreed to partner with us for this noble project. We are going “All In” for charity,” ani Michael Angelo Ong Chua ng event presenter na PcWorx sa ginanap na media launch ng charity event kamakalawa sa NBA Café Manila.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“We know how big of a fan base AI still has even though he is already retired, and we want his supporters to be a part of his forthcoming visit that’s why we really exerted effort to price the tickets as low as possible,” dagdag ni Chua.

Ang mga tiket ay may presyong P6,500, P5,500, P4,500, P3,000, P2,000 at P600 at ang mga kikitain ng event ay mapupunta sa Gawad Kalinga.

Sa isang video message naman ipinaabot ng 2001 NBA MVP ang kanyang pagbati sa kanyang Filipino fans.

“What’s up, Manila? This is your man AI. See you all on November 5 at the Mall of Asia Arena. Be there,” sinabi ni Iverson, na magkakaroon din ng basketball clinic at meet-andgreet habang nasa bansa.

Kung sa kanyang NBA career ay ipinakita ni Iverson ang kanyang pamatay na crossover moves, sa kanyang pagbisita sa Manila, ipakikita naman niya ang kanyang nalalaman sa coaching.

Pangungunahan niya ang isang koponan na bubuuin ng streetball team na Ball Up at maging ng iba pang dating manlalaro mula sa NBA, isa na rito si Eddy Curry na naglaro para sa New York Knicks at Miami Heat.

Makakalaban nila ang local selection na kabibilangan ng UAAP at NCAA stars at maging ng cage legends na papangalanan sa mga darating na araw.