Gretchen Barretto

ENJOY na enjoy si Gretchen Barretto sa shooting ng The Trial na ginagawa niya with John Lloyd Cruz, Richard Gomez and Jessy Mendiola. Inspired si La Greta dahil natupad na ang isa sa matagal na niyang pangarap na makasama sa pelikula si John Lloyd.

Ang akala pa nga niya nu’ng una ay magkakaaberya at hindi siya matutuloy sa nabanggit na pelikula ng Star Cinema na sa pagkakaalam ng aktres ay sa

September na ipapalabas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Itinuturing ni Gretchen na malaking karangalan ang pagiging leading lady nina Richard at John Lloyd. Aniya, ngayon na nagsusulputan ang magagaling at magagandang baguhang aktres ay masuwerte pa rin siya na nabibigyan pa ng pagkakataon para gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

“At least I’m getting the chance to work with the people that I really admire, as far as their acting skills are concerned,” sey ng aktres nang mainterbyu namin sa opening ng Cinemalaya filmfest.

Aminado si La Greta na medyo nahirapan siya sa ilang eksena nila ni John Lloyd. Gusto nga raw sana niyang i-post ang ilang eksena sa naturang movie pero mahigpit itong ipinagbabawal ng mga taong namamahala ng Star Cinema at ng ABS-CBN.

Natatawa pang banggit ni Gretchen, medyo nangangayayat siya dahil sa sobrang stress niya sa mga ginawa nilang eksena sa The Trial, lalung-lalo na sa mga eksena nila ni John Lloyd.

Sinigurado niya na naiiba ang pag-atake niya sa papel na ginampanan niya sa pelikulang ito. Gandang-ganda siya sa role niya kaya ganoon na lang ang pasasalamat niya sa Kapamilya Network.

Nalaman din namin kay La Greta na any day soon ay magkakaroon siya ng contract signing sa ABS-CBN.

“Sa totoo lang naman, lahat ng mga ibinigay sa akin ng ABS-CBN, eh, malalaking proyekto talaga. Kaya ganu’n na lang ang pasasalamat ko sa kanila,” sey pa ng aktres.