Kapwa nakuha nina Philippine Boxing Federation (PBF) super featherweight champion Adonis “Yamagata” Aguelo at WBC International lightweight titlist Sergio “Yeyo” Thompson ang timbang sa junior lightweight division kaya tuloy na ang kanilang 12-round bout ngayon sa Chetuma, Quintana Roo, Mexico.

“Sergio “Yeyo” Thompson (29-3, 26 KOs), fresh from his win over Ricardo Alvarez for the WBC International lightweight title on March 8, will return tomorrow night in Chetumal against Adonis Aguelo (21-9-2, 13 KOs) in a WBC super featherweight eliminator for the right to face full World Boxing Council (WBC) champion Takashi Miura of Japan,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com.

Ito ang pinakamalaking laban ni Aguelo sa kanyang karera samantalang mag-aambisyon si Thompson na muling hamunin si Miura na tumalo sa kanya sa puntos noong nakaraang taon.

Ayon sa Cancun Boxing na promoter ng sagupaan, kapwa tumimbang ng 129.8 pounds sina Thompson at Aguelo sa official weigh-in kahapon.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Huling lumaban sa Mexico si Aguelo noong nakaraang Enero 11 sa Veracruz na natalo lamang siya sa manipis na 10-round unanimous decision ni dating WBC Latino super featherweight champion Nery Saguilan.