Mula sa 70 porsiyento, bumagsak sa 56 porsiyento ang performance rating ni Pangulong Aquino sa second quarter ng 2014, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Bumaba rin ang approval rating ni Vice President Jejomar Binay mula 87 porsiyento noong Marso ay naging 81 porsiyento, 79 porsiyento noong Hunyo mula sa dating 86 porsiyento.

Bumaba naman sa 53 porsiyento ang trust rating ng Pangulong Aquino mula 69 porsiyento sa first quarter ng 2014.

Una nang sinabi ni Dr. Anna Marie Tabunda, research director ng Pulse Asia, ang 14 percentage points na pagbaba ng approval at 16 percentage points na pagbaba ng trust rating ng Pangulo ang pinakamababa simula nang manungkulan ito.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa kabila ng pagbaba, mayorya pa rin ng mga Pinoy ang lumalabas na kuntento sa trabaho at nagtitiwala kina PNoy at Binay na kapwa pinanghahawakan nila.