Apatnapu’t limang mahahalagang infrastructure project ang inaasahang makukumpleto nang mas maaga upang pakinabangan ng mga residente at magpapalakas sa kalakalan sa lugar.

Kabilang sa mga priority project ang bagong paaralan na may 26 na silid sa Barangay Almanza I, dalawang palapag na daycare center sa Pilar Village, at isa pang day care center sa Barangay Talon I.

Isinailalim din sa rehabilitasyon ang Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College na pag-aari ng pamahalaang lungsod.

Binigyang-diin ni Las Piñas City Mayor Vergel “Nene” Aguilar na makatutulong ang konstruksiyon ng karagdagang paaralan upang matugunan ang pagdami ng estudyante sa mga pampublikong paaralan sa siyudad.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Inaasahan ding matatapos sa target date na itinakda ni Aguilar ang mga bagong road network upang lalo pang lumakas ang ekonomiya ng Las Piñas.

“Our limited resources will not hinder us from pursuing ways to provide efficient basic services to our people and enhance the city’s economic development at par with global competency,” pahayag ni Aguilar.