- Probinsya

2 carnapper nakorner
MANGALDAN, Pangasinan – Dalawang sinasabing carnapper na tumangay sa isang motorsiklo noong nakaraang linggo ang nadakip ng pulisya sa Barangay Nibaliw nitong Miyerkules.Kinilala ni Insp. Enrique M. Columbino ang nadakip na sina Jaysun Cabanlig, 31, ng Bgy. Nibaliw; at...

Lolo lasog sa bus
CABANATUAN CITY - Masaklap na trahedya ang sinapit ng isang 74-anyos na lalaki na aksidenteng nabundol at nagulungan pa ng rumaragasang bus sa Maharlika Highway sa Barangay Quezon District sa lungsod na ito, habang nagbibisikleta, Miyerkules ng umaga.Kinilala ng Cabanatuan...

2 'tulak' tigok sa shootout
LUCENA CITY, Quezon – Dalawang hinihinalang miyembro ng Alcala drug group ang napatay sa pakikipagbakbakan sa mga pulis na magpapatupad sana ng arrest warrant sa Via Calibria Street sa Citta Grande Subdivision, Barangay Ibabang Iyam sa siyudad na ito.Sa police report,...

Vizcaya ex-mayor 18-taong kulong sa malversation
Pinatawan ng Sandiganbayan ng 18 taong pagkakakulong si dating Vilaverde, Nueva Vizcaya Mayor Rodrigo Tabita, Sr. sa pagkabigong ma-account ang pondo ng bayan na aabot sa P4.3 milyon noong 1993.Paliwanag ng anti-graft court, inilabas nila ang nasabing hatol matapos...

29 na hepe ng Bicol Police, sibak sa bigong Double Barrel
CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawampu’t siyam na hepe ng pulisya sa Bicol ang sinibak sa puwesto simula nitong Martes matapos mabigong makatupad sa target kaugnay ng implementasyon ng “Oplan Double Barrel” ng Philippine National Police (PNP).Sinabi ni...

19-anyos na hostage pinagutan
ZAMBOANGA CITY – Kinondena kahapon ng pamahalaang panglalawigan at ng mamamayan ng Sulu ang pamumugot ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa 19-anyos na bihag nitong si Patrick Jhames Almodavar nitong Miyerkules ng hapon.Sa isang pahayag, sinabi ng Armed Forces of the...

Kabuhayan, negosyo sa drug surrenderers
CABANATUAN CITY – Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI)-Nueva Ecija na bukas ang tanggapan nito upang umagapay sa pamilya ng mga sumusukong tulak at adik para makahanap ang mga ito ng disenteng mapagkakakitaan.Ayon kay DTI-Nueva Ecija Director Brigida Pili,...

P105,000 sasabungin tinangay
VICTORIA, Tarlac - Aktibo pa rin ang operasyon ng mga kilabot na magnanakaw ng panabong at 30 sasabunging manok ang kanilang tinangay nitong Martes mula sa G2 Farm sa Barangay San Vicente, Victoria, Tarlac.Sinabi ni PO3 Sonny Villacentino na umaabot sa mahigit P105,000 ang...

Pokemon Go bawal sa polling places
KALIBO, Aklan - Mahigpit na ipagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang paglalaro ng Pokemon Go sa loob ng mga voting precinct sa Barangay at Sanguniang Kabataan elections sa Oktubre 31.Ayon kay Atty. Rommel Benliro, hepe ng Comelec-Kalibo, mahalagang paalalahanan...

25 dayuhang naaresto sa Bora, kinasuhan na
Kinasuhan ng paglabag sa immigration laws ng Pilipinas ang 25 naaresto nitong Lunes dahil sa ilegal na droga at cybercrime sa Boracay Island sa Malay, Aklan.Ibinunyag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na kinasuhan na ang 18 Taiwanese at pitong Chinese...