SAN NICOLAS, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang drug surrenderer matapos pagbabarilin sa San Nicolas, Batangas.
Kinilala ang biktimang si Angelito Reyes, na tinamaan ng bala ng baril sa ulo at hindi na umabot nang buhay sa Taal Polymedic Hospital.
Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:50 ng gabi nitong Linggo nang pagbabarilin si Reyes ng mga suspek na sakay sa itim na motorsiklo, sa Barangay Bangin. (Lyka Manalo)