BALITA
Chinese FM: Kagitingan Reef, pag-aari ng China
Sinabi ng China na ang paglapag kamakailan ng isang Chinese military plane sa isang isla sa South China Sea, na inaangkin din ng Pilipinas bilang ‘Kagitingan Reef’, ay “nothing to be surprised at” dahil ito ay ginawa sa lupain ng mga Chinese.Ayon kay Chinese Foreign...
Gutom at nakawan, laganap sa Ecuador
PORTOVIEJO/PEDERNALES, Ecuador (Reuters) - Nililibot ang bansa na sinalanta ng lindol na pumatay na ng 413 katao, pinagninilayan ni Ecuadorean President Rafael Correa noong Lunes ang muling pagbangon na magkakahalaga ng bilyun-bilyong dolyar at posibleng malaking epekto nito...
12 Pinoy, tinukoy na suspek sa Bangladesh cyber heist
DHAKA (Reuters) – Tinukoy ng Bangladeshi investigators ang 20 banyaga – 12 Pilipino at walong Sri Lankan – na pinaghihinalaang sangkot sa cyber heist ng milyun-milyong dolyar mula sa central bank nito, sinabi ng pulisya noong Lunes.Hindi nagbigay ng detalye ang mga...
44 na lugar sa Metro Cebu, 15 oras walang tubig araw-araw
CEBU CITY – Kakapusin sa supply ng tubig ang 44 na lugar sa Metro Cebu sa loob ng 15 oras kada araw kasunod ng pagkatuyot ng dalawang pinagkukuhanan ng tubig ng Metro Cebu Water District (MCWD) dahil sa matinding tagtuyot.Ayon kay MCWD Public Affairs Manager Charmaine...
Ex-Bulacan VM, todas sa ambush
Isang dating vice mayor ang tinambangan at napatay makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Pandi, Bulacan nitong Lunes ng gabi.Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Roberto Ruben Rivera, dating bise alkalde ng Pandi, matapos siyang pagbabarilin sa Barangay...
Liquor ban, epektibo sa Mayo 8-9
Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na ipatutupad sa Mayo 8 at 9 ang liquor ban kaugnay ng eleksiyon.Sa bisa ng Resolution No. 10095, sinabi ng Comelec na ipatutupad at epektibo ang liquor ban sa bisperas ng eleksiyon, Mayo 8 (Linggo), at sa mismong araw ng halalan...
Dagdag benepisyo sa 68,000 senior sa Makati, ibinasura
Nalungkot ang 68,187 senior citizen sa Makati City matapos na ibasura ng konseho ang karagdagang benepisyo na para sa kanila.Upang palawigin ang benepisyo ng senior citizens, ipinanukala ni Makati City acting Mayor Romulo “Kid” Peña, Jr. na doblehin ang lahat ng...
Maglolo, patay sa granada
Halos magkagutay-gutay ang katawan ng isang 78-anyos na lalaki at ng paslit niyang apo makaraan silang masabugan ng granada na hawak ng huli sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, nitong Lunes ng gabi. Sa report kay Senior Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan...
CoA: P41-M bonus ng SSS employees, dapat isauli
Kailangang isauli ng mga opisyal at empleyado ng Social Security System (SSS) ang P41,311,073.83 cash incentive na kanilang natanggap kasunod ng pagbasura ng Commission on Audit (CoA) sa apela ng ahensiya kaugnay ng nasabing halaga ng audit disallowances.Inaasahang muling...
C-5 Expressway, sisimulan na
Inaasahang sisimulan na sa Hulyo ang paggawa sa unang bahagi ng C-5 South Link Expressway, ayon sa Cavitex Infrastructure Corp. ng Metro Pacific Investments Corp.Ayon Mr. Luigi Bautista, pangulo ng CIC, nakakuha sila ng go signal mula sa Toll Regulatory Board at Department...