BALITA
Sekyu ng isang mall sa Baguio, pinuri sa pagsasauli ng bag na naglalaman ng P600k cash
BAGUIO CITY – Pinuri ng mga opisyal at empleyado ng isang mall sa Baguio ang isang security guard na nagsauli ng bag na naglalaman ng P600,000, noong Agosto 25. Sinabi Jill Galario, information officer ng SM City Baguio, habang nag-iikot si SG Rodney Visperas sa rice...
Estudyante, nawindang sa halagang ₱1,000,000 worth of Bitcoin na natanggap sa kanyang money app
Usap-usapan ang biglang paglitaw ng mga billboard sa buong bansa kung saan nakasulat ang pangalan ni Reinzel C. na pinakikiusapang i-check ang kaniyang crypto wallet sa Maya app. Nagbunsod ng kuryosidad sa ilang netizen kung sino ang taong ito at kung bakit pa siya...
Robredo, nag-alok ng tulong sa DSWD
Malugod na tinanggap ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin T. Tulfo si dating Vice President Leni Robredo sa DSWD Central Office sa Quezon City nitong Biyernes, Agosto 26. Sa kanyang pagbisita, ipinakita ni Robredo, na ngayon ay tagapangulo...
Pasig gov’t, naghahagilap ng lote para sa pagpapatayo ng mas maraming school bldg sa lungsod
Nagpapalawak ng kanilang imbentaryo ng lote ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasig upang mangalap ng mga posibleng lugar upang magtayo ng mas maraming imprastraktura ng paaralan, ayon mismo kay Mayor Vico Sotto. “Ngayong 2022, sinimulan na rin po natin ang imbentaryo...
Bilang ng tinamaan ng dengue sa bansa, mahigit 118,000 na!
Mahigit na sa 118,000 ang tinamaan ng dengue sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Sa datos ng DOH, umabot sa 153 porsyentong pagtaas ng kaso nito ngayong 2022 kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2021. Idinahilan ng DOH na noong 2021, naitala lamang ang...
Itinatago lang? 350,000 sakong asukal, nadiskubre sa 3 bodega sa Cavite
Nakadiskubre pa ang gobyerno ng 360,000 sakong asukal, kabilang na ang mga inangkat, sa isinagawang pagsalakay sa tatlong bodega sa Silang, Cavite, ayon sa pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Biyernes. Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, inaalam...
Tulfo, nais imbestigahan ng Senado ang biglaang pagsasara ng Colegio de San Lorenzo
Nanawagan si Senador Raffy Tulfo sa Senado na imbestigahan ang umano'y permanenteng pagsasara ng Colegio de San Lorenzo (CDSL) sa Quezon City. Kamakailan ay naghain si Tulfo ng Senate Resolution (SR) No. 156 para tuparin ang kanyang pangako sa mga guro ng paaralan na...
Kris Aquino, patuloy na lumalaban sa sakit para sa mga anak
Nagbigay ng update ang kapatid ni Kris Aquino na si Ballsy Aquino tungkol sa kalagayan ng aktres. Aniya, na-diagnose ito ng 2 pang autoimmune diseases. “When she left, she had two autoimmune diseases. I think now there are four,” ani Ballsy sa isang forum ng Banyuhay...
Diesel, papatungan ng halos ₱6/liter sa Agosto 30
Inabisuhan ng gobyerno ang mga motorista na humanda na sa malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ito ng kinumpirma ni Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau director Rino Abad. Sa pag-aaral ng mga taga-industriya ng...
Suki na? Angat Buhay, naka-iskor muli ng donasyon mula sa winning team ng ‘Family Feud’
Sa ikatlong pagkakataon, ang non-governmental organization na pinamumunuan ni dating Vice President Leni Robredo ang benepisyaryo ng pinakahuling winning players sa Kapuso game show na “Family Feud.” Sa episode ng sikat na GMA show nitong Huwebes, nasungkit ng NCAA...