Binakbakan ng netizens si “It’s Showtime” host Kim Chiu matapos niyang hiritan ng anila’y tila below-the-belt na biro si “Eat Bulaga” host at “Little Miss Philippines 2012” Ryzza Mae Dizon.
Sa isang episode ng “It’s Showtime” kamakailan, tinakot si Kim ni Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner Brent Manalo.
Sabi ni Brent, “Si Lotus Feet nasa likod mo!”
Matatandaang si si Lotus Feet ay ang nagmumultong karakter sa horror film na "Feng Shui" ni Chito S. Roño.
“Ay! Bakit si Ryzza Mae?” tanong ni Kim, pagbaling sa tinuro ni Brent.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang biro ni Kim. Sa Thread post ni “Your Anonymous Mama PH” noong Miyerkules, Hunyo 24, dinepensahan niya ang taglay na ganda ni Ryzza.
“Kim Chiu,” saad sa post. “Ryzza Mae is naturally beautiful by face, heart, and mind. She is a fine young lady who made herself up as early as 7 years old without mocking and putting others down.”
Dagdag pa niya, “Batas sa classroom ang decency. Sana alam mo yan.”
Samantala, narito naman ang komento ng ibang netizens sa nasabing post:
"Ano pa ba aasahan niyo jan? I completely lost all respect for her simula nung joke niya about sa maiingay na mga pusa na masarap daw buhusan ng mainit na tubig. Never ko na siya ulit pinanood. Ew"
"Ang off talaga ng mga jokes nya for national tv."
"Ang Kim Chiu na gumanda at nag-improve lang din ang itsura dahil sa mga retoke. Excuse me, di ka naman kagandahan dati!"
"Hueue kahit kelan diko nagustuhan si Kim. Ako lang ba? Haha"
"Grabe until now walang pinagkatandaan tong Kim Chiu na to."
"Bobita talaga yan. Lalo na yung about sa pusa na sinabi nya dati. Kairita"
Sa kasalukuyan, wala pa namang inilalabas na pahayag si Kim hinggil dito gayundin si Ryzza. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.