BALITA
Digong sa Dimple Star operator: Arestuhin 'yan!
Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip sa operator ng Dimple Star Transport kasunod ng pagbulusok ng isang bus nito sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong Martes, na ikinasawi ng 19 na...
EU sinisisi ang Moscow
BRUSSELS (AFP) – Nagkaisa ang European Union leaders sa likod ni British Prime Minister Theresa May nitong Huwebes sa pagsisi sa Russia sa nerve agent attack sa England, at nagkasundong pauwiin ang kanilang ambassador sa Moscow para sa mga konsultasyon. Pinag-iisipan na...
US-China ‘trade war’ namumuo
BEIJING (AFP) – Nagbabala kahapon ang China sa United States na hindi ito natatakot sa trade war kasabay ng bantang bubuwisan ang $3 bilyon halaga ng kalakal ng US bilang ganti sa hakbang ni President Donald Trump laban sa Chinese imports. Inilatag ng Beijing ang listahan...
Direk Cathy Garcia-Molina, napasubo sa convo sa JaDine fan
Ni NITZ MIRALLES SA tweet na “Guys. Tapos na ‘yung issue na ‘to matagal na. Kalma, lapit na lumabas ‘yung peliks. Sayang energy sa bv,” pinakalma ni Direk Dan Villegas ang fans nina James Reid at Nadine Lustre na nagalit kay Direk Cathy Garcia-Molina dahil sa convo...
3 utas sa buy-bust sa Bulacan
Ni Fer Taboy Tatlong pinaghihinalaang drug pusher ang napatay ng pulisya matapos umano silang lumaban sa buy-bust operation sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Miyerkules ng gabi. Sa report ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), kinilala lamang ang tatlong napatay sa...
16 na rebelde, sumuko sa Mindanao
Ni Mike U. Crismundo BUTUAN CITY - Labing-anim na umano’y kaanib ng teroristang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Mindanao kahapon. Hindi muna ibinunyag ni 1st Lt. Jhocell Asis, Civil Military Operations officer ng 71st Infantry Battalion (IB) ng...
Ina pinatay sa bugbog ng anak
Ni LIEZLE BASA IÑIGO Napatay sa bugbog ng isang 38-anyos na lalaki ang 64-anyos niyang ina matapos silang magtalo sa Barangay San Jose, San Mariano, Isabela, nitong Miyerkules ng hapon. Binawian ng buhay si Gloria Domingo dahil sa tinamong mga bugbog at pasa sa mukha at...
47-anyos itinumba sa droga
Ni Light A. Nolasco TALAVERA, Nueva Ecija – Dead on the spot ang isang umano’y drug pusher matapos umanong manlaban sa anti-drug operation sa Barangay Sampaloc, Talavera, Nueva Ecija, nitong Sabado ng hapon. Ayon kay Supt. Joe Neil Rojo, officer-in-charge ng Talavera...
'Nang-abandona' inireklamo ng asawa
Ni Leandro Alborote CAMP MACABULOS, Tarlac City - Naghain ng reklamo sa pulisya ang isang ginang laban sa kanyang asawa na umano’y nag-abandona sa kanilang mag-iina nitong nakaraang taon. Si Marlon Vivas, 32, ay nahaharap sa kasong kriminal makaraang ireklamo ng...
83-anyos, nagbaril sa ulo
Ni Leandro Alborote TARLAC CITY, Tarlac - Isang 83-anyos na lalaki ang nagbaril sa kanyang sarili dahil binabagabag umano ito ng kanyang karamdaman sa Barangay Matatalaib, Tarlac City, nitong Huwebes ng umaga. Dead on the spot si Juanito dela Pasion, ng Sto. Niño...