BALITA
5 mangingisda, nasagip sa lumubog na bangka sa Oriental Mindoro
Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Police at Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang limang mangingisda matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Bansud, Oriental Mindoro nitong Linggo, Pebrero 19. Kabilang sa mga nailigtas sina...
PCSO: 2 lucky bettors, kumubra ng napanalunang jackpot prize sa lotto
Dalawang lucky bettors mula sa Iloilo City at Pateros ang kumubra na rin ng kanilang napanalunang jackpot prize sa lotto. Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, nabatid na nagtungo ang dalawang lucky bettors sa kanilang punong tanggapan sa...
Chinese, 1 pa timbog sa ₱204M shabu sa Pampanga
Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Chinese at kasabwat na Pinoy sa ikinasang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga nitong Linggo ng hapon na ikinasamsam ng ₱204 milyong halaga ng shabu. Nasa kustodiya na ng PDEA sinaYi Xin...
Mangingisda na 10 nang nagtatago dahil sa kasong rape, napasakamay na ng otoridad
Napasakamay na rin ng mga otoridad ang isang mangingisda, na akusado sa kasong rape at may 10-taon nang nagtatago, matapos na maaresto sa isinagawang operasyon sa Maynila nitong Lunes. Kinilala ni PMajor Edward Samonte, hepe ng Manila Police District- Special Mayor’s...
Pilipinas, hindi yuyuko sa ‘political agenda’ ng ICC – Sec. Remulla
Binigyang-diin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Pebrero 20, na hindi yuyuko ang gobyerno ng Pilipinas sa umano’y political agenda ng International Criminal Court (ICC) sa nais na pag-iimbestiga nito sa war on drugs ng...
Mayor Lacuna sa city hall employees: Housing projects, samantalahin
Hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga empleyado ng Manila City government na huwag nang magpatumpik-tumpik at mag-avail na ng unit sa housing projects ng ng pamahalaang lungsod. Sa kanyang mensahe sa flagraising ceremony nitong Lunes, sinabi ni Lacuna na...
OCTA: Covid-19 positivity rate ng NCR, bahagyang tumaas; pero ‘negligible’ pa rin
Iniulat ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Lunes na nakitaan ng bahagyang pagtaas ang 7-day Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) ngunit ‘negligible’ pa rin naman ito. Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang...
Pastor, namatay matapos subukan ang 40-days pag-aayuno tulad kay Kristo
Isang pastor sa bansang Mozambique ang nasawi matapos umanong subukang mag-ayuno ng 40 na araw, tulad ng nakasulat sa Bibliya na ginawa ni Hesu Kristo. Sa ulat ng BBC News, binawian daw ng buhay si Francisco Barajah, founder ng Santa Trindade Evangelical Church, matapos ang...
Cargo boat na may LPG tanks, lumubog; Kapitan, crew nasagip
QUEZON, Quezon -- Lumubog ang isang cargo boat na puno ng mga walang laman na tangke ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) matapos hampasin ng malalakas na alon dulot ng masamang panahon sa Lamon Bay sa Barangay Cagbalugo dito, nitong Lunes ng umaga, Pebrero 20. Ayon sa Quezon...
2 miyembro ng NPA, sumuko sa Pampanga
Dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Pampanga kamakailan. Si alyas 'Tito" na kasapi ng Underground Mass Organization (UGMO) na konektado sa National Democratic Front (NDF) ay nagbalik-loob sa Police Regional Office 3 headquarters...