Ibinahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na dalawang weather system ang nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon nitong Miyerkules, Hulyo 29.
Ang mga weather system na ito ay ang low pressure area (LPA) at easterlies, o mainit na hanging nagmumula sa Pacific Ocean.
Base forecast ng PAGASA bandang 5:00 ng umaga, ang LPA ay huling namataan sa coastal waters ng Rapu-Rapu, Albay. Hindi naman ito inaasahang maging isang bagyo ngunit tatawid sa kalupaan.
Ito ay nagdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon, Bicol Region, Mindoro province, Marinduque at Romblon.
Habang nakakaapekto naman ang easterlies sa Cagayan at Isabela.
Sa nalalabing bahagi ng Luzon, partikular sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, asahan ang maaliwas na panahon ngunit asahin din ang localized thunderstorms sa hapon at gabi.
Samantala, maaliwasan ang panahon ang inaasahan sa Palawan, buong Visayas, at buong Mindanao ngunit mataas ang tsana ng localized thunderstorms sa hapon at gabi.
Pinag-iingat din ng PAGASA ang publiko na posible pa rin ang pagbaha at pangguho ng lupa.