BALITA
'Egay' victims: 6,641 pamilya, nabigyan na ng emergency cash transfer sa Ilocos Norte
Nasa 6,641 pamilya ang nabigyan na ng emergency cash transfer (ECT) ng DSWD sa Ilocos Norte nitong Huwebes. Ito ang isinapubliko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sinabing unang bugso pa lamang ito ng pamamahagi nila ng ayuda sa rehiyon. Nilinaw ng...
Inflation nitong Hulyo, bumaba sa 4.7% - PSA
Bumaba sa 4.7% ang inflation nitong buwan ng Hulyo mula sa 5.4% na naitala noong buwan ng Hunyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Agosto 4. Ayon sa PSA, ito ang pang-anim na magkakasunod na buwan ng deceleration sa headline inflation sa bansa....
TAYA NA! ₱75M premyo ng Ultra Lotto, ₱33M ng Mega Lotto, puwedeng mapanalunan!
Milyun-milyong premyo ang naghihintay sa mga manananaya ng lotto ngayong Friday draw, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). “O, baka naman wala ka pang ticket, aba! Baka abutan kang tulog ng jackpot sa pansitan, sayang yon kaibigan!” saad ng PCSO nang...
₱18.3M jackpot sa 6/42 Lotto draw, 'di napanalunan
Walang nanalo sa 6/42 Lotto draw nitong Huwebes kung saan aabot sa ₱18.3 milyon ang jackpot nito. Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 21-16-14-29-06-22. Nasa ₱18,307,868.20 ang jackpot nito. Nitong Hulyo...
Epekto ng habagat sa bansa, inaasahang hihina na – PAGASA
Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Agosto 4, na inaasahang hihina na ang epekto ng southwest monsoon o habagat sa bansa dahil umano sa patuloy na paghina ng bagyong Khanun (may local name na...
60-day deadline sa unclaimed license plates, nilinaw ng LTO
Nagpaliwanag ang Land Transportation Office (LTO) kaugnay sa ipinataw na 60 araw na deadline upang resolbahin ang problema sa unclaimed license plates. Paliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza III, hindi para sa mga may-ari ng sasakyan ang kautusan, kundi para sa mga opisyal ng...
Iran, pinataob ng Gilas Pilipinas
Ginulantang ng Gilas Pilipinas ang Iran, 76-65, sa 2023 Heyuan WUS International Basketball Tournament sa China nitong Huwebes ng gabi. Ito ay sa kabila ng hindi paglalaro ni 7'3" center Kai Sotto at ng naturalized player ng koponan. Hawak na ng National team ang 1-0 record...
Drug den sa Pampanga, nabuwag; 4 na indibidwal, arestado
MABALACAT, PAMPANGA — Nabuwag ang isang drug den habang apat na indibidwal naman ang naaresto kasunod ng isinagawang buy-bust operation sa Barangay Dau dito, nitong Miyerkules, Agosto 2. Kinilala ng mga awtoridad mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pampanga...
Sylvia Sanchez kay Maine: ‘Officially I can now call you my daughter’
Masayang-masaya ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez dahil finally ay matatawag na niyang “anak” si Maine Mendoza matapos itong ikasal sa kaniyang anak na si Arjo Atayde kamakailan. “Kailangan kong i let go ang anak kong si Arjo dahil bubuo na siya ng sariling...
Anne Curtis, binalikan kaniyang naging journey sa showbiz industry
“I realized how lucky and blessed I am…” Feeling grateful ngayon si Kapamilya star Anne Curtis nang kaniyang balikan ang naging journey niya sa industriya ng showbiz. Sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Agosto 3, nagbahagi si Anne ng ilang mga larawan mula noong...