Masayang-masaya ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez dahil finally ay matatawag na niyang “anak” si Maine Mendoza matapos itong ikasal sa kaniyang anak na si Arjo Atayde kamakailan.

“Kailangan kong i let go ang anak kong si Arjo dahil bubuo na siya ng sariling pamilya. But im happy because i gained a daughter and that’s you, Maine,” saad ng batikang aktres sa kaniyang latest Instagram post nitong Miyerkules, Agosto 2.

“Maine, officially i can now call u my daughter. Yeyyyy!!! You will surely enjoy the ride because now you're one of us na,” dagga pa naya.

“Enjoy your life together @mainedcm @arjoatayde. Love you both mga anak. Finally and officially!! Welcome to the family Mrs. Nicomaine Dei Mendoza Atayde!!!”

National

Hindi paggamit ng ‘mother tongue’ sa pagtuturo sa Kinder – Grade 3, naisabatas na!

Samantala, nag-komento naman si Maine sa naturang IG post.

“So happy and grateful to have you as my mom!!! Alam kong come hell or high water, nandyan kayo for me and Arjo. i love you OG, Mrs. Atayde!” aniya.

Matatandaang ikinasal sina Maine at Arjo noong Hulyo 28.