I realized how lucky and blessed I am…”

Feeling grateful ngayon si Kapamilya star Anne Curtis nang kaniyang balikan ang naging journey niya sa industriya ng showbiz.

Sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Agosto 3, nagbahagi si Anne ng ilang mga larawan mula noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya, pagtanggap ng award, pagiging host sa “It’s Showtime”, pag-concert, hanggang sa kaniyang pagiging ina kay Dahlia.

“Recently, I reflected on my journey so far, and I realized how lucky and blessed I am to have constant support and encouragement from my friends, my fans, and of course my family,” saad ni Anne sa naturang post.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

“I am so so sooooo grateful that I'm living my dream, I have my loving family and the love and support from my fans throughout the years,” dagdag niya.

Inihayag ng Kapamilya star na mahalaga talaga ang pagkakaroon niya ng “solid support system” sa pag-achieve ng kaniyang mga pangarap sa buhay.

“When you have a solid support system, ang dami mo talagang magagawa,” aniya.

“I find myself even more motivated to go outside my comfort zone, challenge myself, and do more to achieve my biggest dreams.”