Nagpakawala ng tirada ang aktor at TV host na si Edu Manzano laban kay dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.
Sa latest episode ni Edu nitong Lunes, Marso 30, ibinahagi niya ang isang larawan kung saan makikita ang pagmumukha ni Romualdez.
"'We must unite and heal as a nation,'" saad sa naturang larawan.
Dagdag pa rito, "Architect of the problem, now spokesman for 'healing.' Ayos. Kumpleto ang cycle."
Sey tuloy ni Edu, “MAY TAMA KA BA! ISA KA NGA SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT TAYO NAGKAGANITO!!”
Matatandaang napaulat noong Disyembre 2025 na kabilang si Romualdez sa 86 na indibidwal na pinakakasuhan bago matapos ang taon.
Maki-Balita: Romualdez, 86 iba pa inirekomendang kasuhan bago matapos ang taon—Sec. Dizon
Isa siya sa mga mambabatas na pinangalanan ng kontraktor na si Curlee Discaya na tumatanggap umano ng porsyento sa pondo ng mga kontrata sa maanomalyang flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH officials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co
Ngunit ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre kamakailan, wala umanong nakitang pananagutan ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) kay Romualdez sa usapin ng flood control projects.
Maki-Balita: Romualdez, abswelto sa flood control scam ayon sa ICI—Rep. Acidre