April 01, 2026

Home BALITA

Rep. Cendaña bumwelta sa okray ni Atty. Topacio: 'Kadiring manyak!'

Rep. Cendaña bumwelta sa okray ni Atty. Topacio: 'Kadiring manyak!'
Photo Courtesy: Perci Cendaña, Screenshot from City Government of Davao (FB)

Hindi pinalampas ni Akbayan Rep. Perci Cendaña ang patutsada ni Atty. Ferdinand Topacio laban sa kaniya at sa mga kasamahan niyang kongresistang sina Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila De Lima at Batangas 2nd district Rep. Jinky Luistro.

Binanggit ni Topacio ang naturang pahaging sa tatlong kongresista sa ginanap na ika-89 Araw ng Dabaw noong Sabado, Marso 28.

Aniya, "Si Luistro, si De Lima ang papangit....ng sinasabi! Puro pagbaluktot ng batas ang ginagawa. 'Yang si Cendaña tabingi...ang katuwiran.”

Kaya sa isang Facebook post ni Cendaña noon ding Sabado, pinalagan niya ang panghahamak ni Topacio sa kanilang tatlo. 

“Humirit na naman ang kadiring manyak. Wala ka sa kalingkingan nina Reps. Leila De Lima at Jinky Luistro. Magagaling at matatapang na babaeng abogado,” saad ni Cendaña.

National

'Tunay pong atin ang WPS!' Tarriela, pinasalamatan si PBBM

Dagdag pa niya, “Ika nga ni Jasmine Curtis-Smith, isa kang ‘dugyot.’”

Matatandaang nag-ugat ang pagtawag ng “dugyot” kay Topacio matapos nitong akusahan si Jasmine na ang pagpapaseksi umano nito ay para sumikat at pagnasahan.

Maki-Balita: 'Dugyot ka!' Jasmine Curtis, nainis sa mga sinabi ni Atty. Ferdie Topacio sa bikini pics niya