April 01, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Tanungin natin si Slater Young, ano maganda gawin sa Sierra Madre?'—banat ni Rendon Labador

'Tanungin natin si Slater Young, ano maganda gawin sa Sierra Madre?'—banat ni Rendon Labador
Photo courtesy: via MB

May pasaring na tanong ang social media personality na si Rendon Labador para kay Pinoy Big Brother: Unlimited Big Winner at engineer na si Slater Young, nitong Lunes, Nobyembre 10. '

Kamakailan lamang ay binabakbakan ng mga netizen si Slater dahil sa pagsisi sa kaniya at sa proyekto niyang Monterrazas de Cebu, na sinisisi ng mga netizen kung bakit nakaranas ng matinding pagbaha sa Cebu, sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Tino.

Ang nabanggit na high-end residential building ay itinayo sa bundok, na maihahalintulad sa sikat na Banaue Rice Terraces sa Ifugao.

At isa na nga sa nagpatutsada sa kaniya si Labador na kilalang "benggador" sa mga celebrity na nasasangkot sa kontrobersiya.

Aniya, "Tanungin natin si Slater Young kung ano maganda gawin sa Sierra Madre," aniya.

Tsika at Intriga

Klarisse De Guzman, iniisyung buntis; sumagot!

Sa pagpapatuloy pa niya, "Nasaan na kaya si Slater Young? PM mo ko may project tayo yung Sierra Madre… saan ka ba? hindi ka nasagot sa PM."

Photo courtesy: Screenshot from Rendon Labador/FB

Bukod kay Rendon, nagpasaring din ang stand-up comedian na si James Caraan kay Slater. 

Aniya, "Wag nyo masyado pamalita yung Sierra Madre, baka tayuan na naman ni Slater [Young] ng condo."

KAUGNAY NA BALITA: Baka tayuan ng condo! Standup comedian, pinapaiwas Sierra Madre kay Slater

Matatandang muli na namang napag-usapan ang kahalagahan ng Sierra Madre matapos manalasa ang super typhoon Uwan sa bahagi ng Luzon.

Matagal na itong pinatutunayan ng mga eksperto sa mga nagdaang bagyo, kaya paulit-ulit nilang paalala na alagaan ang Sierra Madre.

Tinatawag itong “backbone” ng Luzon dahil bukod sa pagiging tahanan ng maraming hayop at halaman, tumutulong din itong protektahan ang mga tao sa matinding lagay ng panahon. Dahil dito, mas nabibigyang-oras ang mga mamamayan na makapaghanda.

Nakakatulong din ang kagubatan sa kabundukan na sipsipin ang rainwater upang maiwasan ang pagbaha.

Sa kabilang banda, bagama't pinapahina ng Sierra Madre ang lakas ng bagyo kapag nag-landfall, hindi naman ibig sabihin nito na hindi na magpapatuloy ang bagyo o bigla na lamang mawawala, at hindi na makapamiminsala sa iba pang lugar; pero malaking bagay na napahina nito ang lakas ng bagyo.

KAUGNAY NA BALITA: Backbone ng Luzon: Paano nagiging 'panangga' ang Sierra Madre kontra bagyo?

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Young tungkol sa isyu ng Monterrazas de Cebu, na ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay ipatatawag para sa imbestigasyon.

KAUGNAY NA BALITA: DENR, paiimbestigahan ibinidang Monterrazas de Cebu ni Slater Young