May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Baka tayuan ng condo! Standup comedian, pinapaiwas Sierra Madre kay Slater

Baka tayuan ng condo! Standup comedian, pinapaiwas Sierra Madre kay Slater
Photo Courtesy: James Caraan, Slater Young (FB), via MB

Nagbitiw ng hirit ang standup comedian na si James Caraan matapos muling pag-usapan ang kahalagahan ng Sierra Madre sa gitna ng pananalanta ng super typhoon Uwan.

Basahin: Backbone ng Luzon: Paano nagiging 'panangga' ang Sierra Madre kontra bagyo?

Sa latest Facebook post ni James noong Lunes, Nobyembre 11, binalaan niya ang publiko na huwag masyadong ipamalita ang kabunduang itinuturing na gulugod ng Luzon.

“Wag nyo masyado pamalita yung Sierra Madre, baka tayuan na naman ni Slater [Young] ng condo,” saad ni James.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Monterazza De Sierra Madre.. nabigyan pa nga ng idea."

"Yong kabilang side lang daw idevelop nya, sa Side B yata, kasi mahina na daw bagyo pagkalampas ng Side A "

"Tayuan bigla ng resort"

"Tinatayuan na ng mga dam at quarry"

"sa mga residente na nakatira malapit sa sierra madre, you have all the rights para bat2hin nyo na mga magtatangkang sisira na naman ng kabundukan, magkaisa kayo dyan! wag nyo hayaan na uulitin pa nila ang pagsira dahil kayo rin ang magiging kawawa"

"Wag puro key board warrior kilos kilos din"

"O kaya maging Camella Sierra Madre "

Matatandaang naging sentro ng kontrobersiya si Slater dahil ang proyekto niyang Monterrazas de Cebu ang siyang itinuturong dahilan ng matinding pagbaha sa probinsiya nang tumama ang bagyong Tino kamakailan.

Maki-Balita: 'Kasalanan ng project?' Slater Young pinanggigilan, sinisi sa pagbaha sa Cebu

Sa katunayan, naglunsad ang Department of Environment and National Resources (DENR) ng multistakeholder upang siyasatin ang naturang proyekto.

Ayon sa ahensya, sakaling mapatunayang nagkaroon ng paglabag sa ECC conditions o enviromental regulations, hindi umano sila mag-aalinlangang magpataw ng parusang naayon sa umiiral na batas.

Maki-Balita: DENR, paiimbestigahan ibinidang Monterrazas de Cebu ni Slater Young