March 13, 2026

Home BALITA National

Mayor Leni, sinupalpal si Harry Roque?

Mayor Leni, sinupalpal si Harry Roque?
Photo courtesy: Mayor Leni Robredo (FB), File Photo

Tila sinagot at binuweltahan ni dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa pagpuna nito sa pagsakay niya sa isang ordinaryong bus. 

Matatandaan kasing binatikos ni Roque sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Marso 13, 2026, ang larawan ni Robredo at sinabi niyang muntik na raw sana siyang maniwala kung ordinaryong pasahero lang ang kumuha ng larawan ng alkalde.

“Maniniwala sana ako kung kuha ng netizens or ng ordinaryong pasahero. Magpakatotoo naman tayo iyun ang gusto ng mga tao,” saad ng abogado. 

KAUGNAY NA BALITA: Harry Roque, pinuna pagsakay sa bus ni Mayor Leni!

Matapos nito, nagawa namang ibahagi ni Robredo sa kaniyang Facebook nito ring Biyernes ang video ng isang netizen na namataan siyang nakasakay sa loob ng pampasaherong bus. 

National

'The Commission has fulfilled its mandate:' ICI chair, kinumpirma pagtatapos ng komisyon

“Sagot sa fake news ng mga tao na walang kilalang politiko na [nagbu-bus] na walang bodyguard na kasama,” mababasa sa simula ng post ng alkalde. 

Photo courtesy: Mayor Leni Robredo (FB)

Screenshot mula sa FB post ni Robredo.

Sa link na kalakip ng post ni Robredo, mapapanood ang video na inupload sa Facebook ng Sangguniang Kabataan (SK) Chairman na si Marlon Casilao kung saan nakaupo siya sa loob ng bus habang mayroong binabasa. 

Ani Robredo, saktong nasa terminal daw noon si Casilao para ihatid ang kaniyang ina nang makita siya nito. 

“Post po ito ni SK Chair Marlon Casilao na nasa terminal din para ihatid ang nanay niya na papunta sa Manila,” aniya. 

“Pasensya na sa mga pasahero na nakasama sa video,” dispensa naman ni Robredo. 

Bagama’t walang direktang pinatungkulan si Robredo, wala namang bagong pahayag, tugon, o reaksyon na inilalabas si Roque kaugnay rito. 

MAKI-BALITA: Mayor Leni, ipinag-utos 'compressed workweek policy' sa Naga