Patay na nang natagpuan ang katawan ng isang delivery rider sa Maguindanao del Sur.
Ayon sa mga ulat, may tali sa leeg at tadtad ng pasa ang katawan ng biktima nang marekober ito ng mga awtoridad.
Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, hinihinala nilang posibleng pinatay sa sakal ang biktima gamit ang lubid na natagpuang nakatali sa leeg ng bangkay niya.
Hindi rin ipinag-aalis ng mga awtoridad na ang posibilidad na pinagtulungang bugbugin ang biktima dahil sa mga pasang lumitaw sa kaniyang bangkay.
Samantala, napag-alamang tila nag-road trip lang daw ang biktima, isang araw bago siya matagpuang patay.
Bunsod nito, pagnanakaw na ang tinitingnang anggulo ng mga awtoridad, lalo’t hindi na natagpuan ang motorisklong gamit ng biktima habang nawawala rin ang ilan sa mga personal na kagamitan niya.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.