Ibinahagi ng Meta kamakailan na hindi na magagamit ang “Messenger.com” para sa pagpapadala at pagtanggap ng messages simula Abril 2026.
Anila, kasama rin sa mawawala ang “Messenger desktop app” pagtungtong ng Abril, at dito ay awtomatikong mare-redirect ang netizens sa “Facebook Messages” sa computer para muling makatanggap at makapagpadala ng messages.
“Starting April 2026, messenger.com will no longer be available for messaging. The Messenger desktop app is also no longer available. You can use facebook.com/messages to continue messaging on web,” saad ng Meta.
Nilinaw naman ng Meta na magpapatuloy pa rin ang Messenger sa kanilang mobile app, gayundin para sa mga gumagamit nito nang walang Facebook account.
“After messenger.com goes away, you will be automatically redirected to use facebook.com/messages for messaging on a computer. You can continue your conversations there or on the Messenger mobile app,” paliwanag ng Meta.
“If you currently use Messenger without a Facebook account, you can continue your conversations on the Messenger mobile app,” dagdag pa nito.
Photo courtesy: messenger.com
Sean Antonio/BALITA