February 07, 2026

Home BALITA National

'7 weeks straight!' Diesel, magtataas ulit

'7 weeks straight!' Diesel, magtataas ulit
GAS (MB FILE PHOTO)

Muling aaray ang mga motorista bunsod ng inaasahang pagtaas ng presyo ng Diesel sa darating na Martes, Pebrero 10.

Base sa four-day trading average ng Mean of Platts Singapore (MOPS), inaasahang tataas ng humigit-kumulang ₱0.30 kada litro ang diesel.

Maging ang kerosene at gasolina ay inaasahang ding magtaaas ng ₱0.05 at ₱0.50 kada litro, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ang pagtaas ng presyo ng ilang produktong petrolyo ay dahil umano sa tension sa Strait of Hormuz.

National

De Lima, 'confident' na sufficient in form at substance impeachment vs VP Sara!

Ayon sa mga ulat, hinarass umano ng isang Islamic Revolutionary Group ng Iran ang US-flagged merchant vessel.

Kung tuluyang maipatutupad ang taas-presyo, ito na ang ikapitong linggo ng pagtaas para sa diesel.