January 23, 2026

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, naniniwala kay Sonny Trillanes

Ogie Diaz, naniniwala kay Sonny Trillanes
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Antonio Trillanes IV (FB)

Naghayag ng suporta si showbiz insider Ogie Diaz para kay dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV.

Sa latest Facebook post kasi ni Ogie nitong Biyernes, Enero 23, shinare niya ang isang pubmat kung saan mababasa ang sinabi ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chair Greco Belgica laban kay Trillanes.

“Sa totoo lang, naniniwala pa ba ang tao kay Trillanes?” ani Belgica.

Ipinaskil niya ito sa kaniyang Facebook account noon pang Oktubre 2025 kung kailan nagsampa si Trillanes ng kasong plunder kina Sen. Bong Go, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at dalawang iba pa.

Tsika at Intriga

Vice Ganda, pasimpleng kinumpirma breakup nina Ryan Bang, Paola Huyong?

Maki-Balita: Sonny Trillanes kinasuhan ng plunder si FPRRD, Bong Go, 2 iba pa

Muling pinalutang ng isang Facebook page ang pahayag na ito ni Belgica nito ring Biyernes, ilang araw matapos kasuhan ni Trillanes ng graft at plunder si Vice President Sara Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes, civil society group kinasuhan ng plunder, graft si VP Sara

Ngunit sagot ni Ogie, “Oo naman. Mas credible kesa kay Belgica.”

“Walang posisyon si Antonio "Sonny" Trillanes IV, pero ang powerful. Ang dami pang nagagawa. #Partida,” dugtong pa niya.

Matatandaang si Ogie ay isang kilalang ‘Kakampink’ na hayagang sumuporta noong 2022 presidential elections sa kandidatura nina dating Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.

Samantala, si Belgica naman ay masugid na tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Nagsilbi siyang PACC chair sa ilalim ng administrasyon nito.

Kaugnay na Balita: Greco Belgica, Rodante Marcoleta, suportado ni PRRD sa Senado