January 28, 2026

Home BALITA National

Karamihan sa naputukan, 19-anyos pababa—DOH

Karamihan sa naputukan, 19-anyos pababa—DOH
MB file photo

Iniulat ng Department of Health (DOH) na karamihan sa naputukan ng mga paputok ay may edad 19-anyos pababa.

Sa ulat ng DOH nitong Lunes, Enero 5, 2026, umabot sa 720 na kaso ng firework-related injuries sa bansa ang naitala mula Disyembre 21, 2025 hanggang kaninang 4:00 AM, kung saan 377 sa naturang bilang ng mga biktima ay may edad 19-anyos pababa. 

Ang pinakakaraniwang paputok na nakapinsala ay Kwitis, 5-star, Whistle Bomb, Boga, at Piccolo.

Gayunpaman, sinabi rin ng ahensya na mas mababa ito ng 14% kumpara sa 834 na kaso noong Enero 5, 2025.

National

'Katawan niya naman po 'yon!' Castro, sinabing 'mas reliable' si PBBM kaugnay sa nararamdaman niya

Bagamat mas mababa ang kabuuang bilang, mariing paalala ng DOH na, kung naputukan o napaso dahil sa paputok, agad magtungo sa ospital para sa magpakonsulta at makapagpabakuna laban sa nakamamatay na tetano.

Kaugnay na Balita: ALAMIN: Mga dapat gawin kapag nakasubo o nakalunok ng paputok

Kaugnay na Balita: 'Pag nagpaputok, maging responsable rin sa paglilinis pagkatapos!'—paalala