February 15, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

'Pag nagpaputok, maging responsable rin sa paglilinis pagkatapos!'—paalala

'Pag nagpaputok, maging responsable rin sa paglilinis pagkatapos!'—paalala
Photo courtesy: via MB/Freepik

Tapos na ang pagsalubong sa Bagong Taon, at karaniwang sasalubong naman sa unang araw—mga basura at kalat!

Kaugnay nito, mabilis na kumilos ang local government units (LGU) upang makapaglinis agad ng mga lansangan upang magamit nang maayos ng mga tao at motorista.

Kagaya na lamang ng mga kawani ng Department of Sanitation and Cleanup Works ng Quezon City na agad na nilis ang Quezon Memorial Circle at Nova Park sa Novaliches Bayan, pagkatapos ng naganap na New Year's countdown sa nabanggit na lugar.

Kapit-bisig ang sanitation workers at street sweepers sa pangongolekta ng mga basurang naiwan ng mga dumalong residente at bisita sa dalawang pangunahing lugar ng selebrasyon. Layunin ng agarang cleanup na maibalik ang kaayusan at kalinisan sa mga pampublikong espasyo bago magsimula ang regular na aktibidad sa unang araw ng bagong taon.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Chinese Zodiac Signs na suswertihin, mamalasin at alanganin ngayong 2026

Samantala, benta naman sa mga netizen panawagan ng isang barangay official sa mga residente na pairalin ang disiplina at responsibilidad hindi lamang sa paggamit ng paputok kundi lalo na sa paglilinis matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ibinahagi ng page na CinemaBravo ang panayam ng "24 Oras," newscast flagship ng GMA Network, sa isang nagngangalang Kagawad Mark Anthony Fang ng Barangay 488,

Aniya, hindi raw dapat magtapos sa putukan ang pananagutan ng mga nagdiriwang. Aniya, mahalagang tiyakin na malinis ang paligid matapos ang selebrasyon upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaayusan sa komunidad.

“Pag nagpaputok, maging responsable rin sa paglilinis pagkatapos. Hindi yung pagkatapos na lang ng putukan, e pababayaan na lang diyan,” pahayag ng kagawad.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"sana all naputukan"

"Same old habits different year"

"same time, same place next year."

"Putok gusto, responsibilidad ayaw"

"I agree with this hehe. Dapat talaga after magpaputok or sumalubong bagong taon linis talaga agad. Iwas aksidente sa mga di sumabog na paputok at kalinisan din syempre."

"Dati nung bata ako after magputokan nagwawalis mga tao. Sobrang dami pa nga nung winawalis kasi di pa ganon kahigpit mga paputok. Kaya uso pa Balita non mga napuputokan naputolN ng daliri."

Ikaw, naglinis ka ba matapos ninyong magpaputok?