Naglabas si Cagayan de Oro (CDO) City Mayor Rolando “Klarex” Uy ng isang executive order (EO) hinggil sa nagpapatuloy na tensyon ng mga bansang nasa rehiyon ng Gitnang Silangan.
Ayon sa EO No. 102-2026A, binibigyang mandato nito ang lokal na pamahalaan ng CDO na bawasan ang kanilang operational costs pagdating sa pagkonsumo ng produktong petrolyo at kuryente bunsod ng nasabing girian.
Ang nasabing EO rin daw ay isang “immediate adoption” ng CDO local government unit (LGU) sa abisong inilabas ng Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee (IAEECC) kamakailan, upang mapababa ang paggamit ng enerhiya.
Photo courtesy: Cagayan de Oro City Information Office/FB
Sa kaugnay na ulat, matatandaang ipinag-utos din ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang “emergency fuel cuts” para naman sa nasasakupan nito.
Tulad ng inisyung EO ng CDO LGU, ang inisyatibong ito ay nakalinya rin sa abiso ng IAEECC; at iniutos bunsod ng tensyon sa pagitan ng puwersa ng United States (US) at Israel kontra sa bansang Iran.
MAKI-BALITA: Mayor Leni, iniutos 'emergency fuel cuts' sa Naga bunsod ng US-Israel, Iran war-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA