December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gerald at Julia, 'cool off' sa isa't isa; may third party?

Gerald at Julia, 'cool off' sa isa't isa; may third party?
Photo courtesy: juliabarretto (IG), Ogie Diaz Showbiz Updates (YT)

Usap-usapan ngayon ang lagay ng relasyon ng aktres na si Julia Barretto at aktor na si Gerald Anderson. 

Napansin ng netizens na hindi na madalas nagbabahagi ng larawan ang dalawa sa kanilang social media accounts. 

Ayon sa inispluk ng aktor, TV host, at talent manager na si Ogie Diaz sa kaniyang Showbiz Updates, nabalitaan umano niya sa kaniyang source na nasa “cool off stage” ang dalawa. 

“Gaano [ito] katotoo. Itatanong na rin natin kasi syempre ayaw naming maniwala. Lalo na ako, ayaw kong maniwala. Kasi nakikita kong si Gerald at Julia, parang sila ‘yong future. Sila pa rin ‘yong ending,” panimula ni Ogie. 

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Ngunit dagdag pa niya, “Pero ‘yong nabalitaan ko, ‘totoo ba yan?’ sabi kong ganoon sa source ko. Cool off daw ‘yong dalawa.” 

Pinagtakhan ni Ogie ang balitang nakarating sa kaniya dahil nakita umano naman niya ang dalawa na nagtatrabaho sa noontime show na Eat Bulaga nang magkasabay. 

“Sabi ko naman ay ‘paano ‘yong sa Eat Bulaga na nasa studio si Julia [at] nasa remote [work] si Gerald tapos sila pa rin,” aniya. 

Pagpapatuloy pa ni Ogie, tinanong nito sa kaniyang source kung ano ang maaaring dahilan ng pagiging cool off nila Julia at Gerald at nalaman niyang mayroon umanong third party na nangyari sa kanilang relasyon. 

“Tinanong ko, ‘ano ang dahilan ba’t sila nag-cool off?’ Mayroon daw third party. Totoo ba ‘yon? May third party daw?” saad ni Ogie.  

Nilinaw naman ni Ogie na tinatanong na niya mismo kung totoo ang balitang nakarating sa kaniya ngunit walang katiyakan kung sino ang nadawit sa third party ng dalawang magkarelsayon. 

Para kay Ogie, sana ay maayos nila Gerald at Julia ang kanilang relasyon dahil nakarating sa kaniya na mahal na mahal umano ni Julia ang kaniyang nobyo. 

“Pero ang nakarating sa akin, mahal na mahal ni Julia si Gerald despite the issue[...]” pagbabahagi niya. 

Samantala, pinayo naman ni Ogie na ipagkatiwala na lang kina Julia at Gerald ang problema at wala pang konkretong katiyakan kung totoo nga ba ang balitang nakarating sa kaniya. 

“Anyway, iiwan natin sa kanila iyan. Hindi po iyan kompirmado, naibalita lamang iyan sa akin. Parang naghihintay lang daw ng signs si Julia kasi kapag sila na ulit, kailangan kasal na[...]” paglilinaw ni Ogie. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita