Isinugod sa ospital si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio.
Ayon kay Topacio, isinugod sa ospital si Teves nitong Martes ng umaga, Hunyo 17, dahil sa sobrang pananakit ng tiyan.
“He has been complaining of severe stomach pains since midnight last night, but was given medical attention at 5 in the morning,” aniya.
Gayunman, hindi isiniwalat ni Topacio kung saang ospital dinala si Teves para na rin daw sa seguridad nito.
Matatandaang kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. noong Mayo 29 na nasa Pilipinas na si Teves matapos ang tatlong taong pagtatago sa Timor-Leste.
BASAHIN: PBBM, kinumpirmang nasa Pilipinas na si Arnie Teves
KAUGNAY NA BALITA: Arnie Teves, binasahan ng Miranda Rights habang nasa eroplano
Inaresto ng Timor Leste si Teves noong Mayo 27 matapos ang kaniyang ilang taong pagtatago bunsod ng alegasyong siya ang mastermind sa umano’y pagkasangkot sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, kasama ng walo pang sibilyang nadamay, noong Marso 4, 2023.
KAUGNAY NA BALITA: Axl Teves iginiit na kinidnap, inabuso ang ama niyang si Arnie Teves
MAKI-BALITA: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo - Sec Remulla