June 09, 2025

Home BALITA National

PBBM, nagbarena sa isang classroom sa Bulacan

PBBM, nagbarena sa isang classroom sa Bulacan
photo courtesy: screenshot/PCO

Sa kaniyang pagbisita, tumulong si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa pagsasaayos ng isang classroom sa Bulacan bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2025.

Nitong Lunes, Hunyo 9, ininspeksyon ng pangulo ang preparasyon ng Barihan Elementary School sa Malolos, Bulacan para sa pagbubukas ng school year 2025-2026 sa Hunyo 16. 

Kasama sa ininspeksyon niya ang pagsasaayos ng mga kisame, bintana, at mga pintuan sa mga classroom upang siguruhing handa na ito sa pasukan. 

Tumulong din ang pangulo, kasama si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, sa pagbabarena sa blackboard na ikinakabit sa isang classroom. 

National

Bagong timeline ng impeachment ni VP Sara, hindi sapat!—Rep. Gutierrez

Nang makabit ang blackboard ay sinulatan ito ni Marcos ng "Welcome back to school. Study hard, kids."

Samantala, magbibigay din ang pangulo ng 300 bags na naglalaman ng basic school supplies sa Hunyo 16. 

Ang Brigada Eskwela ay nagsimula ngayong Hunyo 9 hanggang Hunyo 13.